Kauna-unahang SEAMEO INNOTECH Youth-led Summit ginanap sa Pilipinas

Nagtitipon ngayon sa Pilipinas ang mga kabataan mula sa sampung bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) para sa kauna-unahang youth led summit.

Opisyal na binuksan ang Youth Summit na inorganisa ng Southeast Asian Ministers of Education Organization Center – Regional Center for Innovative Educational Technology (SEAMEO-INNOTECH) sa Quezon City.

Nasa 160 youth leaders ang dumalo sa pagtitipon mula sa 10-SEAMEO member-countries na kinabibilangan ng Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand, Timor Leste, Vietnam at Pilipinas.

Nakilahok din sa summit ang mga kinatawan ng Ministries of Education ng ASEAN sa pangunguna ni SEAMEO INNOTECH Center Director at dating Education Secretary Leonor Briones, Education Assistant Secretary Dexter Galban, at UNICEF Philippines Chief of Education Isy Faingold.

Layunin ng summit na magbigay ng plataporma para sa youth leaders sa ASEAN na talakayin ang usapin hinggil sa kanilang papel sa paghubog ng edukasyon sa rehiyon.

Inaasahan dito ang pagbabahagi ng mga kabataan ng kanilang mga rekomendasyon sa policy makers kung paano mapapabuti ang antas ng edukasyon hindi lang sa eskwelahan, sa komunidad at sa bansa.

Ang mga rekomendasyon at declaration na nabuo sa summit ay isusumite naman sa United Nations maging sa ibat ibang government bodies para sa action plan.

Binigyang diin ni Director Briones na mahalaga na marinig ang boses ng mga kabataan para sa transformation ng edukasyon sa Pilipinas, sa ASEAN region at sa buong mundo.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *