Kauna-unahang Septage Treatment Plant sa Cavite province, pinasinayaan na sa GMA Cavite.

Pinasinayaan na sa GMA Cavite ang kauna-unahan at bagong Septage Treatment Plant sa lalawigan ng Cavite. 


Ito ay proyekto ng GMA Water District katuwang ang lokal na pamahalaan ng Gen. Mariano Alvarez para  matiyak na malinis ang tubig na dumadaloy sa mga tahanan sa kanilang bayan at maging sa buong bansa. 


Pinangunahan ang pagpapasinaya ni DENR Undersecretary Benny Antiporda, kasama sina Carmona Cavite Mayor Roy Loyola, GMA Water District GM Juliet Nacita at ni GMA Cavite Acting Mayor Maricel E. Torres. 


Ayon sa mga opisyal ng Local Government ng GMA Cavite, sa pamamagitan ng mga nabubuong mga pasilidad sa kanilang bayan ay nakakamit nila ang organisadong pamamalakad sa kanilang bayan tungo sa isang payapa at maunlad na pamayanan sa Lalawigan ng Cavite. 


Nagpapasalamat naman si DENR Usec. Benny Antiporda sa ganitong mga pasilidad na ipinagawa ng Lokal na pamahalaan ng GMA Cavite dahil sa mga ganitong paraan ay nagagamit ng maayos at tama ang mga natural resources sa ating bansa.

Jet Hilario

Please follow and like us: