Kauna-unahang summit para sa mga midwives sa DOH-Calabarzon, isinagawa

Isinagawa sa kauna -unahang pagkakataon ng Department of Health (DOH)- Calabarzon ang dalawang araw na Midwives summit.

Tema ng summit ay “Empowering midwives, Building healthier lives”.

Ayon kay DOH-Calabarzon Regional Director Eduardo Janairo, ang naturang summit ay bilang pagbibigay ng pagkilala o rekognisyon  sa mga kumadrona o midwives dahil sa kanilang patuloy na pagtulong  upang maging ligtas at maayos  ang panganganak ng mga kababayan nating nagdadalang tao at maging ng kanilang sanggol na isisilang hanggang sa  ang mga ito ay maging senior na.

Sa kasalukuyan,  ang mga kumadrona daw ang nagbibigay ng immunizations, nagpapalaganap ng family planning and nutrition, health promotion at nagre- refer ng mga pasyente sa mga angkop na health facilites kung kaya naman, hindi lang sila basta midwives..kundi maituturing na rin silang mga duktor lalong lalo na para sa mga kababayan nating naninirahan sa remote areas na hindi kayang magtungo sa pinakamalapit na health facility dahil sa  kakulangan sa pinansyal.

Naging health partners na umano ang mga midwives dahil sa nagkakaloob na rin sila ng essential support sa mga duktor at nurses sa mga ospital sa naturang rehiyon.

Ayon pa kay Janairo, sa kasalukuyan, mayroong 254 na mga midwives sa Calabarzon, ang Cavite, Laguna at Batangas ay mayroong 50 kumadrona bawat isang lalawigan, ang Rizal at Quezon naman ay mayroong tig 52 bawat isa.

Dagdag pa ni Janairo,  i-a-upgrade ng regional office ang skills at magbibigay sila ng essential trainings sa lahat ng mga midwives sa rehiyon kabilang dito ang pagpapaunlad ng rural health units at provision ng health equipments.

Binigyang diin pa ni Janairo na pinalalakas nila ang scholarship program para sa mga nagnanais na mag-midwives.

Ang kailangan lamang ay magre-residente sila sa Calabarzon region.

Ito daw ay may malaking maitutulong upang lunasan ang kakulangan ng health human resource sa areas na nanganganilangan ng midwives at makatiyak na pagka-graduate nila ay makapagsisilbi sila sa rehiyon.

Na i-reposition din ang gampanin ng mga midwives lalong lalo na ang nagta trabaho sa ospital na sila ay hindi lang sila basta midwives dahil sa may kakayanan din sila at may kaalaman  upang magkaloob ng health care.

Sa naturang summit ay nagkaloob din sa mga midwives ng  50 doppler ultrasound.

 

Ulat ni Belle Surara

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *