Kauna-unahang TPH Dialysis and Kidney Center ng DOH Provincial Office sa Tarlac, pinasinayaan
Pinangunahan ni Tarlac Governor Susan Yap ang inagurasyon ng TPH Dialysis and Kidney Center ng DOH Provincial Office, na dinaluhan din nina 2nd District Congressman Victor Yap, Congressman Noel Villanueva ng 3rd District, at ilang opisyales ng DOH Region lll.
Ang programang “Kalusugan Muna” ni Gov. Yap ay nakatutok sa patuloy na pagbibigay ng may kalidad na serbisyong pangkalusugan sa bawat Tarlakenyo.
Ayon sa Gobernadora, ang chronic disease ang isa sa dahilan ng pagkamatay ng mga tao sa bansa. Aniya, marami ring mga pasyente na nagkakaroon ng kidney disease ang hindi nagpapatingin dahil sa malaking halaga ng gugulin para rito.
Kaya ang pagkakatayo ng nasabing pasilidad sa lalawigan na pag-aari ng gobyerno, ay isang malaking tulong sa mga mayroon ng nabanggit na karamdaman.
Sa pamamagitan kasi ng naturang pasilidad, ay maaari an silang magpakonsulta o magpagamot sa mas mababang halaga.
Layunin din ng pagpapatayo sa naturang pasilidad na lalo pang mapaganda at mapalawak ang pagkakaloob ng serbisyong pangkalusugan sa lahat ng mga mamamayan ng Tarlac.
Ulat ni Heighly Pineda