Pangulong Duterte, pangungunahan ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan bukas….Kawit, Cavite, magsisilbing main venue ng mahalagang okasyon

Magsisilbing main venue ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ngayong taon ang makasaysayang tahanan ni Heneral Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite.

Sa panayam ng Radyo Agila kay Xiao Chua, isang historyador, sisimulan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng simultaneous flag raising ceremony sa mga makasaysayang landmarks ng bansa gaya sa Rizal Park, at meron din sa Visayas at ilan pang mahahalagang lugar gaya sa Malolos, Bulacan; Monumento, Caloocan; San Juan; Angeles City, Pampanga at Manila North cemetery.

Ayon sa Malakanyang, kasama sa schedule ng Pangulong Duterte ang pagdalo sa flag-raising at wreath-laying ceremony sa Cavite.

Isasabay rin sa pagdiriwang ang libreng Dental, Medical at Optical services mula alas-siyete ng umaga hanggang alas-una ng hapon sa Noli Me Tangere garden sa Rizal Park.

Isasabay rin sa araw ng kalayaan ang Job fair na tinawag nilang “Kalayaan sa kaginhawaan” kung saan may mga itinalagang mga booth ang iba’t-ibang mga kumpanya, mga Cultural agencies at mga Government agencies.

Sa bandang hapon naman ay mapapanuod ang Cultural military parade na isasagawa sa Luneta Grandstand, na susundan ng konsyerto at fireworks display.

 

============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *