Kennon Road at 10 iba pang kalsada sa Luzon sarado pa rin dahil sa epekto ng bagyong Ompong; halaga ng pinsala sa mga tulay at daan umabot na sa 2.74 Bilyong piso

Nasa 11 na lamang na kalsada sa Luzon ang nanatiling sarado sa trapiko dahil sa epekto ng bagyong Ompong.

Ayon sa DPWH, siyam na road sections sa Cordillera Administrative Region at dalawa sa Region 2 ang hindi pa rin pwedeng daanan ng lahat ng uri ng sasakyan dahil sa mga pagguho ng lupa, collapsed road, sirang tulay at pagbaha.

Kabilang sa mga saradong kalsada ay ang Kennon Road, ilang bahagi ng Baguio-Bontoc Road at Baguio-Bua-Itogon Road sa Benguet.

Gayundin, ang Apayao-Ilocos Norte, Intermittent Section sa Apayao.

Samantala, Kabuuang 2.74 billion pesos na ang partial cost of damage ng bagyo sa mga kalsada, tulay, flood-control structures at public buildings.

Pinakamalaki na halaga ng pinsala sa mga imprastraktura ay sa Ilocos Region na umaabot sa isang bilyong piso; sumunod ang CAR na 889 million pesos; 656.4 million pesos sa Region 2; 157.75 million pesos sa Region 3 at 20 million sa Bicol Region.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *