Kennon Road patungong Benguet, sarado pa rin sa mga motorista dahil sa epekto ng bagyong Rosita
Inabisuhan ng DPWH ang mga motorista na sarado pa rin ang Kennon Road patungong Benguet Province dahil sa epekto ng bagyong Rosita.
Ayon kay DPWH- Cordillera Administrative Region OIC-Director Tiburcio Canlas, hindi pa pwedeng daanan ng mga sasakyan ang Kennon Road dahil sa mga pinsala sa tulay sa Camp 1 at sa detour bridge approach sa Camp 5.
Bukod dito, lubha rin anyang mapanganib sa mga motorista na dumaan sa Kennon Road dahil sa road slip sa Camp 6, mga bahagi na prone sa mga nahuhulog na mga bato at ang nagpapatuloy na bridge works sa Camp 7
Pinayuhan ng DPWH ang mga motorista na patungong Baguip City at iba pang lugar sa Benguet na dumaan sa Marcos Highwayo Rosario-Pugo-Baguio Road, Naguilian Road o Bauang-Baguio Road at Asin-Nangalisan-San Pascual Road via Rosario-Pugo Road.
Tiniyak ng DPWH na naka-posisyon na ang mga equipment at maintenance personnel ng DPWH Regional Offices 1,2,3 at CAR para sa road clearing at disaster response.
Ulat ni Moira Encina