Kerwin Espinosa naghain sa DOJ ng kontra-salaysay sa kasong Drug Trading; Peter Lim alyas Jaguar no show sa pagdinig

Nagsumite na ng kanyang kontra-salaysay sa DOJ si Kerwin Espinosa kaugnay sa reklamong illegal drug trading na isinampa ng PNP-CIDG.

Personal na pinanumpaan ni Espinosa sa panel of prosecutors ang kanyang salaysay.

Iginiit ni Kerwin na dapat mabasura ang kaso laban sa kanya dahil wala namang naiprisinta ang CIDG na shabu na magpapatunay ng kanyang pagkakasangkot sa drug trading.

Hindi rin anya sapat ang kanyang testimonya sa Senado kung saan inaamin na siya ay distributor ng iligal na droga.

Wala rin anyang bisa at pawang papel lamang ang mga sinumpaang salaysay ng kanyang ama na si Rolando Espinosa na inaaming dawit sa kalakalan ng iligal droga ang anak dahil patay na ito.

Samantala, muling no show sa pagdinig si Peter Go Lim alyas Jaguar

Ayon sa abogado nito na si Magilyn Loja, nbabahala ang kanyang kliyente na magtungo sa DOJ dahil sa banta sa kanyang buhay.

Sa halip din na counter affidavit ang isumite ay submission of evidence lamang iprinisinta ng abogado.

Kinontra naman ito ni Assistant Solicitor General Angelita Miranda na tumatayong abogado ng PNP-CIDG dahil batay anya sa Rules of Criminal Procedure, walang ibang pleading na dapat isumite sa preliminary investigation kundi affidavit.

Itinakda naman ng DOJ ang susunod na pagdinig sa May 30.

Bukod kay Peter Lim, binigyan  ng pagkakataon ng panel ang iba pang respondent na sina Peter Co at Lovely Impal na magsumite ng kontra salaysay.

Magpapalabas din ang panel ng produce order para kina Co at Impal upang payagan sila ng New Bilibid Prisons at Bureau of Jail Management and Penology na makadalo sa hearing at panumpaan ang kanilang kontra-salaysay.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *