Ketogenic diet hindi dapat na gawin na mahigit sa isang taon – ayon sa eksperto
Popular na sa ngayon ang tinatawag na Ketogenic o Keto diet.
Marami na rin ang sumubok nito sa kagustuhang bumaba ang kanilang timbang at maging slim.
Sa mga kabababayan natin na ngayon lang ito narinig, ang isang taong nasa ketogenic diet tanging sagana sa fat, mababa sa carb, at mababa sa asukal ang kinakain.
Kakaunti rin ang kanilang kinakaing processed at junk foods.
Ngunit, paglilinaw ng eksperto, ang ketogenic diet ay hindi para sa lahat, dahil iba iba ang kundisyon ng katawan ng isang tao.
Bukod dito, epektibo lang daw ang ketogenic sa short at medium term na pagbabawas ng timbang subalit hindi ito nararapat na tumagal ng mahigit na isang taon.
Payo ng mga eksperto, bago pasukin ang ano mang diet na makatutulong umano upang mabawasan ang timbang, mas mainam na suriin muna na kumunsulta sa isang eksperto.
Ulat ni Belle Surara