Kilalanin si Pigcasso, ang nag-iisang Pig painter sa buong mundo

Isang 450 pound pig si Pigcasso, ang tinaguriang Pig painter o baboy na pintor.

Si Pigcasso ay na-rescue mula sa isang South African slaughterhouse noong siya ay apat na linggo pa lamang.

Inampon ng South African animal-rights activist na si Joanne Lefson si Pigcasso, inuwi sa kanilang bahay at binigyan ng mga karuan para ito ay malibang.

Kabilang sa mga ibinigay na laruan sa kaniya ay mga paint brushes.

Natuklasan nila na aliw na aliw si Pigcasso sa mga paint brushes at hindi nito pinansin ang iba pang mga laruan.

Naisip ni Joanne na maglabas ng mga canvas paint upang malaman kung ano ang gagawin doon ni Pigcasso na noo’y biik pa lamang.

Namangha si Joanne dahil nagsimulang magpinta si Pigcasso.

Dahil sa talentong natuklasan kay Pigcasso, nagtayo ng personal gallery si Joanne sa Animal rescue farm na nagsilbing tahanan na rin ni Pigcasso.

Makikita sa art gallery ni Pigcasso ang kaniyang art collection at paintings kung saan nagkakahalaga ng hanggang 2 libong dolyar ang kaniyang mga artworks.

Ayon kay Lefson, ang mga likha ni Pigcasso ay matatawag na “expressionist”. HIndi aniya niya pinupuwersang magpinta si Pigcasso at hinahayaan lamang niya kung kailan nito gusto magpinta.

Healthy rin ang kinakain ni Pigcasso, kadalasan kumakain siya ng mga fresh strawberries, bayabas at caramel-coated na mais sa pagitan ng kaniyang pagpipinta.

Umaasa si Joanne na pagdating ng panahon ay makakasama ang artworks ni Pigcasso sa mga exhibit na itatanghal sa pinakasikat at pinakamagandang galleries sa New York at Paris.

 

===  end ===

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *