Kinalaman Ng Ngala-Ngala Sa Ilong At Mata
May kinalaman ba ang ilong at mata sa ngala-ngala natin? Ano ang kinalaman nito? Ang ngala-ngala sa dental term ay maxilla… ang role o gampanin ng ngala-ngala sa kalusugan ng ilong at mata ay nagsisilbi itong sahig o flooring. Ito ang sahig ng ilong at mata.
Ang ngala-ngala ay may average na lapad at haba. Habang umiiksi at kumikitid ay nagkakaproblema ang ilong sa paghinga. Kumikitid dahil sa bad habits simula pa noong bata gaya ng thumbsucking, at si nanay ay hindi palakain ng prutas at gulay. So, may kinalaman ang malnutiriton o ang hindi tamang pagkain.
Eto pa, kapag maagang nabunutan ng ngipin sa kaliwang panig, magiging iba na rin ang ngala-ngala sa kaliwa. Kahit bata pa ay pwedeng mairita kung may problema na sa ngala-ngala. Dahil sa ang kagat ay mababa na, maliit na ang ngala-ngala, ibig sabihin nabunutan ng maaga. Ang ngala-ngala ay lumiliit kapag nabubunutan. Ang shrinkage ay hanggang paglaki na ng bata hanggang sa maging permanent na ito.
Sa isang bata na sungki-sungki ang ngipin, paglabas ng permanent teeth ay sungki-sungki na, lumiit na ang ngala-ngala sa kabubunot ng ngipin ng maaga.
Ang ginagawa na ngayon ay functional orthopedic, hindi agad orthodontics. Kapag sinabing functional orthopedic, pinapalaki ang panga. Ibig sabihin kapag maliit ang ngala-ngala ng bata pinapalaki. Para na hindi na kailanganin na mag braces dahil naagapan o na-diagnose ng maaga.
Hindi katakataka na kapag maagang nabunutan ng ngipin ay napapango ang ilong o babagsak ang ilong. Maoobserbahan din na ang ngala-ngala ng batang nabunutan ng maaga ay sipunin at lumiliit din ang ilong.
Ang mga bata na sinisipsip ang kanilang kinakain at hindi nginunguya ang pagkain, malamang na may problema sa ngala-ngala kaya matagal kung kumain. Payo ko sa mga magulang, ipatingin po ninyo ang ngipin ng bata at baka lumiit ang ngala-ngala.