King Charles III ng UK na-diagnose na may cancer
Bumaha ng suporta para kay King Charles III mula sa iba’t ibang panig ng mundo, nang ma-disgnose ito na mayroong cancer at nagsimula nang sumailalim sa treatment.
Si Charles, na naging hari nang mamatay ang kaniyang 96-anyos na ina na si Queen Elizabeth II, noong September 8, 2022, ay may mabuting lagay ng kalusugan sa pangkalahatan.
Subalit ayon sa palasyo, sa pinakahuling hospital procedure nito para sa kaniyang benign prostate enlargement, ay isang bukod na “issue of concern” ang nakita.
Sa pahayag ng palasyo ay nakasaad, “Subsequent diagnostic tests have identified a form of cancer. The king had begun treatment,” ngunit hindi idinetalye ang uri ng cancer na natuklasan o kung gaano na iyon kalala.
Ayon sa palasyo, “The king remains wholly positive and looks forward to returning to full public duty as soon as possible. He had been advised by doctors to postpone public duties although he would continue to undertake state business and official paperwork as usual.”
Ang nakabibiglang anunsiyo ay nagbunsod ng mga mensahe ng suporta, kung saan sinabi ng anak nito na si Prince Harry na nakausap niya ang kaniyang ama, at bibisitahin niya ito sa lalong madaling panahon.
Si Charles ay umani ng papuri noong isang buwan dahil sa pagiging bukas tungkol sa kaniyang benign prostate condition, kung saan sinabi ng mga doktor na marami ang nagtungo sa kanila na may katulad ding mga sintomas.
Pinalabas siya mula sa isang ospital sa London makaraan ang tatlong gabing pananatili doon para sa corrective surgery, isang linggo na ang nakalilipas.
Ayon pa sa palasyo, “The king had chosen to share his cancer diagnosis to prevent speculation and in the hope it may assist public understanding for all those around the world who are affected by cancer.”
Dumagsa ang mga mensaheng nagnanais ng mabilis na paggaling ni Charles kasunod ng nakagugulat na anunsyo.
Sinabi ni Prime Minister Rishi Sunak sa kaniyang social media post, “Wishing his majesty a full and speedy recovery. I have no doubt he’ll be back to full strength in no time and I know the whole country will be wishing him well.”
Ayon kay US President Joe Biden, “nalaman” na niya ang balita at “nag-aalala” siya tungkol kay King Charles, habang sinabi naman ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau na “nasa isip niya at ng buong bansa si King Charles III habang ito ay sumasailalim sa treatment para sa cancer.”
Ipinost ni dating US president Donald Trump, sa kaniyang Truth Social network, “the king was a wonderful man, “we all pray that he has a fast and full recovery.”
Inihayag ni Australian Prime Minister Anthony Albanese sa mga reporter, “all Australians will be sending their best wishes to King Charles for a speedy recovery.”
Sinabi naman ni Israeli Foreign Minister Israel Katz, “we sent prayers and wishes for the full and fast recovery of the friend of the Jewish people, King Charles.”
Nagpahayag ng pagkabigla at simpatiya ang mga taga London sa naturang balita.
Matatandaan ang halos magkasabay na pagkakaospital ni Charles at ni Catherine, Princess of Wales.
Ang 42-anyos na si Catherine, asawa ng anak ni Charles na tagapagmana ng trono na si Prince William, ay sumailalim sa abdominal surgery sa kaparehong ospital kung saan sumailalim sa treatment ang hari.
Lumabas siya noong Lunes, kasabay ni Charles kasunod ng halos dalawang linggong pananatili sa ospital at maaaring hindi muna bumalik sa kaniyang public duties hanggang sa mga huling bahagi ng Marso.
Ang 41-anyos namang si William, ay pansamantala ring tumigil sa pagdalo sa mga nakaplano nang engagements upang tumulong sa pag-aalaga sa tatlo nilang anak, bagama’t inaasahang babalik na siya sa kaniyang royal duties sa linggong ito.
Sa panahon ng operasyon ni Catherine, binigyang-diin ng Kensington Palace, na ang kaniyang kondisyon ay walang kaugnayan sa cancer, nang wala nang ibinigay na detalye.
Dahil dito, ang 76-anyos na asawa ni Charles na si Queen Camila na lamang ang natirang “visible face” sa royal family.
Sinabi ng royal expert na si Joe Little ng Majesty Magazine, “Camilla would be a ‘massive support’ to her husband. Camilla has shown for a long time, and we’re very aware now, that she is famed as the power behind the throne.”
Dagdag pa ni Little, “The royal family took a ‘business as usual’ approach when it came to personal health matters. I think they are keeping calm and carrying on, as they would be expected to.”