Kita mas naging prayoridad ng Boeing kaysa kaligtasan sa produksiyon ng 787 Dreamliner: whistleblower
Iniimbestigahan na ng Federal aviation authorities ang pag-aangkin ng isang Boeing engineer. na maraming diprensiya ang 787 Dreamliner na nagiging banta sa kaligtasan.
Ang kumpanya ay inakusahan ng mga abogado ng whistleblower na Sam Salehpour, na inuna ang kita kaysa kaligtasan at ng pagganti sa kanilang kliyente makaraan nitong ihayag ang mga isyu, sa pamamagitan ng ‘sapilitang’ paglilipat sa kaniya sa 777 program.
Sa 777 program, ay marami pang isyung inilabas si Salehpour, kung saan ayon sa kaniyang abogado ay nakatanggap siya ng bantang tatanggalin sa trabaho.
Kinumpirma ng Federal Aviation Administration (FAA) ang imbestigasyon makaaang isa-isahin sa isang artikulo sa New York Times ang nabanggit na “claims” na naglalarawan sa mga akusasyon ni Salehpour, na mahigit nang 10 taong nagtatrabaho sa Boeing.
Sinabi ng mga abogadong sina Debra Katz at Lisa Banks, na binigyang-diin ang mga “kritikal na depekto” sa halos 1,500 Boeing planes, “Rather than heeding his warnings, Boeing prioritized getting the planes to market as quickly as possible, despite the known, well-substantiated issues Mr. Salehpour raised.”
Ang Boeing, na nasa ilalim ng pagsisiyasat kasunod ng kamakailang mga problema sa kaligtasan, ay naglabas ng isang detalyadong pagtatanggol sa aircraft, sa pagsasabing “ganap ang kanilang tiwala” sa Dreamliner at itinanggi ang paratang na ginantihan nila ang whistleblower.
Sinabi ng isang tagapagsalita para sa Democratic Senator na si Richard Blumenthal, na isang Senate investigative committee ang nagtakda ng pagdinig para sa April 17 na pinamagatang “Examining Boeing’s Broken Safety Culture: Firsthand Accounts.”
Ayon sa FAA, “Voluntary reporting without fear of reprisal is a critical component in aviation safety.”
Nakasaad sa isang FAA complaint na inilabas ng mga abogado ng whistleblower, “Salehpour has pointed to ‘shortcuts’ in Boeing’s assembly processes leading to excessively large gaps between different plane parts that could ‘ultimately cause a premature fatigue failure without any warning,’ thus creating unsafe conditions for the aircraft with potentially catastrophic accidents.”
Ayon pa sa complaint, “Our client’s concerns about the ‘schedule over safety’ culture at Boeing has been made all the more urgent as a result of the recent incidents involving defects in Boeing’s 737 MAX 9 airplanes.”
Sa kanila namang pahayag ay sinabi ng Boeing, “The issues raised by the critic ‘have been subject to rigorous engineering examination under FAA oversight,’ and that retaliation is ‘strictly prohibited’ at the company.”
Sinabi rin ng kumpanya na ang mga akusasyon kaugnay ng 777 ay “hindi wasto.”
Ayon pa sa Boeing, “We incorporated ‘joint verification’ into production processes after slowing output and halting deliveries for nearly two years in response to employees who identified ‘conformance’ issues on the 787.”
Dagdag pa nito, “For the in-service fleet, comprehensive Boeing and FAA analysis determined there is no near-term safety of flight concern. Based on the analysis and any future inspection, the 787 will maintain its strength, durability and service life.”
Ang paratang ng whistleblower ay kasunod ng isang Alaska Airlines 737 MAX 9 flight noong Enero, na nagsagawa ng emergency landing matapos na ang isang fuselage panel ay pumutok sa kalagitnaan ng biyahe.
Kasunod ng insident, ipinag-utos ng FAA na i-freeze ang production output ng Boeing MAX, habang iginiit din na magpakita ang kumpanya ng improvement sa mga operasyon at quality control.
Inanunsyo ng Boeing ang isang pagbabago sa liderato noong isang buwan na kinabibilangan ng planong pag-alis ng CEO na si Dave Calhourn sa pagtatapos ng 2024.
Nitong Martes, iniulat ng Boeing ang lubhang mababang first-quarter plane deliveries. Tinukoy ng mga opisyal ng kompanya na ang paghinto sa produksiyon ay bahagi ng kanilang ‘enhanced safety actions’ kasunod ng insidente noong Enero sa Alaska Airlines.
Sa unang quarter, ang Boeing ay nagdeliver ng 83 commercial jets, mababa ng 36 percent mula sa nakaraang taon.