Kita ng Apple tumaas, umabot ng $100 billion mark sa unang pagkakataon
SAN FRANCISCO, United States (Agence France-Presse) – Inihayag ng Apple na lumaki ang kanilang kita sa huling tatlong buwan ng 2020, matapos lumakas ang bentahan ng iPhones at marami ang nag-avail ng kanilang services, na naging sanhi para magkaroon ito ng all-time record.
Ang benta sa naturang peryodo na nagtatapos sa December 26 ay umakyat ng 29 percent o $28.7 billion kaysa noong 2019, habang ang kita ay naragdagan ng 21 percent o $111.4 billion, kung saan ang international sales ay katumbas ng halos two-thirds ng sales.
Sa unang pagkakataon ay umabot sa $100 billion mark ang sales.
Sinabi ni Apple chief executive Tim Cook, na natutuwa sila sa masigasig na tugon ng consumers sa kanilang “unmatched line of cutting-edge products.”
Dagdag pa ng Apple, ang benta ng kanilang iPhone ay halos $66 billion, o lumago ng may 18%.
Subalit nagkaroon din ng paglago sa bentahan ng kanilang wearables, gaya ng Apple Watch, na nakabenta ng $12.9 billion sa 1st quarter ng fiscal year ng kompanya.
Ang kita naman mula sa kanilang services ay $15.7 billion, matapos maragdagan ang nag-avail ng kanilang music, digital content, cloud computing at subscriptions.
Liza Fores