Klase sa Cagayan suspendido na bukas dahil sa Typhoon Ompong; Liquor ban ipatutupad sa Biyernes at Sabado

Bilang paghahanda sa pananalasa ng Typhoon Ompong,  sinuspinde ang klase sa lahat ng antas sa buong Cagayan bukas, Sept. 13.

Sinabi ni Cagayan Governor Manuel Mamba na kung magtutuloy-tuloy ang direksyon ng typhoon Ompong , ang Southern part ng lalawigan ang tatamaan nito.

Ayon kay Mamba,  maliban sa suspensyon ng klase , magpapatupad din sila ng liquor ban sa Biyernes at Sabado bilang bahagi pa rin ng paghahanda sa bagyo.

Sinabi ng alkalde na dahil sa leksyon na nakuha nila sa pagtama ng Super Typhoon Lawin sa Cagayan,  dalawang taon na ang nakararaan, target nila ang zero casualty sa bagyong Ompong.

Sinabi ni Mamba na simula bukas ay mapapatupad na sila ng preemptive evacuation sa mga bayan na nasa Northern Coastal Areas.

 

=============

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *