Klase sa lahat ng antas sa Lingayen, Pangasinan, suspendido ngayong Lunes, March 9

Suspendido rin ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong mga paaralan sa Lingayen, Pangasinan ngayong Lunes, March 9.

Ayon kay Mayor Leopoldo Bataoil, hakbang ito ng lokal na pamahalaan para bigyang-daan ang contact tracing sa mga posibleng nakasalamuha ng isa nilang kababayan na nasa Australia na ngayon na nagpositibo sa Coronavirus disease.

Ang pagpapaliban ng klase sa munisipalidad ay inilabas kagabi sa pamamagitan ng Executive Order no. 17 series of 2020 upang bigyang-daan ang disinfection activities sa mga paaralan upang mas maging handa at ligtas ang mga eskuwelahan.

Susunod ding lilinisin ang mga pampublikong lugar, mga pasilidad, public terminals, palengke, parke at  mga tanggapan ng pamahalaan.

Sinabi pa ng alkalde na ito rin ang pagkakataon para makapagpulong ang mga kinauukulan sa kanilang bayan kung paanong makaiiwas sa laganap na sakit.

Bukas naman ay balik-eskwela na ang mga estudyante.

I assigned my staff and Barangay captains to monitor the compliance of different school heads, nakipag-ugnayan rin ako sa Regional office ng Deped at mga School division superintendents. Positive reactions gaya ng pagpapahid ng alcohol sa mga door knob o sa mga madalas hinahawakan na mga gamit at pag-spray ng mga disinfectants sa mga classrooms. Ito ay ginagawa rin namin sa mga Municipal halls, dumadaan din sa thermal monitoring ang lahat ng pumapasok sa munisipyo”.

Mayor Leopoldo Bataoil, Lingayen, Pangasinan

Samantala, sinabi pa ni  Bataoil na patuloy ang pakikipag-ugnayan nila sa Department of Health (DOH) para sa isinasagawang contact tracing sa mga nakasalamuha ng kanilang kababayang nagpositibo sa virus pero nilinaw nito na hindi pa sila nagpapatupad ng lockdown sa mga lugar na pinuntahan ng covid-carrier.

Nanawagan din si Bataoil sa kaniyang mga kababayan na kaagad magtungo sa mga kinauukulan sakaling makaramdam ng sipon o lagnat.

**************

Please follow and like us: