Komite, binuo para tumutok sa pagbibigay ng reward sa mga impormante sa Batocabe killing

 

Pinag-aaralan pa kung paano ipagkakaloob ang 50 million pesos reward money sa mga nakapagturo at naka[agbigay ng impormasyon sa pagpatay kay Cong. Rodel Batocabe.

Ayon kay Congressman Albee Benitez, Chairman ng House Committee on Housing and Urban Development at isa sa mga 180 kongresistang nag-ambag sa reward money, nagtayo sila ng isang komite na siyang tututok kung kanino at paano ipagkakaloob ang bounty money depende sa magiging quality of information na naibigay ng mga ito.

Pero paliwanag ni Benitez ang hawak lamang na reward money ng kanilang binuong komite ay ang mga inambag ng mga Kongresista at ang iba pang inambag ng Ako Bikol partylist, pamahalaang panlalawigan ng Albay at Pangulong Duterte ay wala pa sa kanila.

Depende po sa quality of information, so kapag ang impormasyon ay talagang nakatukoy sa mastermind, naging bahagi ss pag-convict sa Korte, ito po ay may kapalit na pera po yun”.

Bukod sa 180 mga Kongresistang nag-ambag para sa reward money, nag-ambag din sa ang Albay local government, Ako-Bikol partylist at Pangulong Rodrigo Duterte.

 

===================

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *