Komite na mag-iimbestiga sa testimonya ni Lascañas pagbobotahan ulit ng Senado
Pagbobotohan pa ng mga Senador kung anong komite ang hahawak ng imbestigasyon sa pagkakasangkot ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao Death Squad.
Nauna nang ini-refer sa Committee on Public Order and Dangerous Drugs na pinamumunuan ni Senador Panfilo Lacson ang mosyon ni Senador Antonio Trillanes pero maaring may Senador na maghain pa ng apela.
Ayon kay Lacson, handa siyang magtakda ng imbestigasyon sa susunod na linggo, pero hindi pa ito pinal dahil maaring may maghain ng motion for reconsideration.
May mga Senador na ayaw nang pakinggan si Lascañas dahil natalakay na ito ng Senate Committee on Justice and Human Rights na pinamumunuan ni Sen. Gordon, katunayan ay nakapaglabas na ito ng Committee Report na nagsasabing hindi kagagawan ng Pangulo o gobyerno ang mga kaso ng pagpatay.
Magiging malaking sampal kay Gordon kung iimbestigahan ng ibang komite ang isang isyu na nadesisyunan at natalakay na sa plenaryo.
Mababago ang desisyon kung magpapasya ang limang senador na hindi bumoto ng pabor o hindi sa pagharap ni Lascañas.
Ulat ni : Mean Corvera