Komposisyon ng Senado, walang magbabago-Senate President Pimentel
Walang magiging pagbabago sa komposisyon ng Senado sa kabila ng pagkakatanggal ng ilang Liberal Party Senators .
Sa panayam ng Liwanagin Natin sinabi ni Senate President Aquilino “koko” Pimentel III , minor adjustment lamang ang nangyari sa Senado.
Ayon kay Pimentel ang pinakapangunahing dahilan ng naturang hakbang ay para mas mapagtuunan ang mga panukalang batas na makakabuti sa bansa .
Dahil dito , umaasa si Pimentel na mababawasan na ang oras na nagugugol sa pagtalakay sa mga isyung may kinalaman sa pulitika at mas matututukan ang ibang mahahalagang isyu.
Sa kabila nito nilinaw ni Pimentel na hindi naman nangangahulugan na patatahimikin niya ang Minority sa halip ay bibigyan pa rin niya ng sapat na oras ang mga ito para talakayin ang nais nilang pag-usapan.
“So kailangan yung 3 to 5 hours gawin naman natin na kung pupwede lesser na yung pulitika ..more na ang about sa policy about propose bills ..propose laws ..so with the lines very clear now alam na natin kung sino ang namumulitika…majority ba o minority ba depende sa isyu na dadalhin nila sa plenary “.- SP Pimentel