Komunidad sa Chile na nire-require ang mga residente na ipatanggal ang kanilang appendix
Para makatira ng mas matagal na panahon sa Villa Las Estrellas, isang maliit na Chilean settlement sa Antartica, kailangang ipatanggal ng mga residente ang kanilang appendix.
Ang villa kasi na itinuturing na isang icy town ay napakalayo mula sa human civilization, dahil ito ay nasa remote King George island at ang kondisyon ng panahon doon ay napaka-extreme, kaya’t kailangang pumasa sa isang masusing Psychological exam, para patunayang kakayanin ng isang tao ang manirahan doon ng matagal.
Kapag winter, ang buong lugar ay nalulubog sa ilalim ng ilang metro ng yelo.
Ang average temperature doon ay -2.3 degrees celsius, pero maaari pang bumagsak sa -47 kapag winter months, kaya’t halos imposible na talagang lumabas sa kanilang container-like houses.
Ang requirement para tanggalin ang appendix ay isang precautionary measure, dahil kung wala na ito ay mas mababa ang panganib na magkaroon ng emergency surgeries.
Bagama’t ang Villa Las Estrellas ay may sariling ospital, ang manggagamot doon ay isang general practitioner at hindi kayang i-handle ang emergency surgeries, at sakaling magkaroon man ay kailangan ng 2-3 araw bago makapag-take off ang isang hercules c-130 military plane na magdadala sa pasyente palabas.
Dahil dito, maging ang pagbubuntis hindi man ipinagbabawal ay pinaiiwasan hangga’t maari.
Sa kasalukuyan, may 80 inahabitants ang Villa Las Estrellas na karamihan ay mga miyembro ng Chilean air force at kanilang mga pamilya, kung saan lahat ng lampas ng edad anim ay wala nang appendix.
===============