Kongreso dapat bumuo ng kongkretong batas na makakatulong sa mga mag-aaral sa kolehiyo

Courtesy of Wikipedia.org

Dapat makabuo ang Kongreso ng kongkretong batas na makakatulong sa mga mag-aaral sa kolehiyo tulad ng libreng tuition.

Sa panayam ng Saganang Mamamayan sinabi ni dating Congressman Roman Romulo , hindi lamang dapat sa elementary at high school nagkakaroon ng libreng tuition kundi maging ang mag-aaral sa kolehiyo.

Malimit aniya na hindi nakakapagpatuloy sa kolehiyo ang isang high school graduate dahil sa mahal na gugol sa pag-aaral.

Paliwanag ni Romulo , bagaman may mga paaralan at Unibersidad naman na mura ang tuition mahal naman ang other expenses .

 “Kasi ho ang ating elementary at high school kapag qualified ka libre na ang inyong tuition fee pero sa kolehiyo hindi po nakasulat yan sa ating saligang batas ang nakasulat lang dyan yung sa elementary at high schoolkaya kailangan talagang magkaroon ng batas para mabigyan ng pagkakartaon na mabigyan ng financial help ang ating mga mag aaral sa kolehiyo “.  – Romulo

Dagdag pa ni Romulo , hindi naman maiiwasan ng mga paaralang humiling ng tuition increase dahil nangangailangan ng dagdag na pera upang ipambayad sa mga suweldo ng kanilang mga guro kung kaya kailangan ng isang batas na magkakaloob ng financial support lalo na sa mahihirap na mag-aaral.

Ulat ni: Marinell Ochoa

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *