Kongreso, kumpiyansang igagalang ng SC ang pasya nila na huwag magdaos ng joint session kaugnay ng Martial Law declaration
Kumpiyansa si Senate President Aquilino ‘koko’ Pimentel na irerespesto ng Korte Suprema ang pasya ng Kongreso na hindi na magsagawa ng joint sesssion kaugnay sa idineklarang Martial Law sa Mindanao.
Ito harap ito ng isasagawang oral arguments ng Korte Suprema para talakayin ang mga inihaing petisyon ng daan-daang mga abogadong humirit na magsagawa ng joint session ang Kongreso ngayong linggong ito.
Ayon kay Pimentel, positibong papabor ang Korte Suprema sa naging pasya ng mababa at mataas na kapulungan ng Kongreso kaya walang dapat na ipag-alala.
Please follow and like us: