Kongreso, pipiliting aprubahan ang Martial Law extension sa Sabado
Pipilitin ng dalawang kapulungan ng Kongreso na aprubahan sa Sabado ang hirit ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin ang Martial Law sa buong Mindanao.
Sa Sabado na matatapos ang 60 day Martial Law declaration na idineklara ng Pangulo noong May 23 matapos salakayin ng grupong Maute ang Marawi City.
Ayon kay Senate President Aquilino Pimentel, wala siyang nakikitang problema para hindi lumusot ang Martial Law extension dahil hindi pa talaga natatapos ang rebelyon sa Mindanao.
Bagaman hindi pa nila natatanggap ang kopya ng request ng Pangulo, tiwala siyang lulusot ito.
Ulat ni: Mean Corvera
Please follow and like us: