Konseho ng Maynila inaprubahan ang pakikipag negosasyon para sa mas malakas na internet system sa lungsod
Inaprubahan na ng Konseho ng Maynila ang isang resolusyon para payagan si Mayor Isko Moreno na makipag negosasyon para sa pagbili ng Starlink low-orbit satellite.
Ayon kay Moreno, ang Starlink ay kilala bilang most advanced broadband internet system sa buong mundo.
Bilang patunay aniya rito, nang sirain ng Russia ang internet connectivity sa Ukraine, agad silang nakabawi sa tulong mga satellite ng Starlink.
Sakaling maisakatuparan sa Maynila, pangunahing makikinabang aniya nito ay mga estudyante dahil wala ng dead spots o mabagal na signal na makakaapekto sa kanilang online class.
Sakaling palaring maging Pangulo ng bansa, sinabi ni Moreno na isusulong nyang ganito narin ang gamitin sa buong bansa para sa mas magandang internet connectivity.
Lalo na aniya sa panahon ng kalamidad na karaniwang nawawalan ng linya ng komunikasyon, malaking tulong ito dahil kahit may bagyo o lindol ay may signal aniya ito.
Madz Moratillo