Konstruksiyon ng daang magkokonekta sa Arayat at Magalang sa Pampanga, malapit nang matapos
Pormal nang inanunsyo ng Department of Public Works and Highways – Pampanga 1st District Engineering Office, na malapit nang matapos ang konstruksyon ng Multi-year Road project na magkokonekta sa mga munisipalidad ng Magalang at Arayat sa Pampanga.
Ayon sa pahayag ni District Engineer Almer C. Miranda, ang DPWH ay marami pang mga proyekto na ukol sa imprastraktura ng mga kalsada na nakalinya na para sa konstruksyon, bilang suporta sa Pampanga Megalopolis Plan.
Aniya, ang Pampanga Megalopolis ay isang pangunahing tulong sa lumalaking ekonomiya ng Pampanga.
Nasa ilalim nito ang pagkakategorya ng mga lalawigan sa apat na metropolitan clusters, na siyang magpapabuti sa potensyal nito bilang isang sentro ng paglago ng lunsod.
Sa oras na matapos ang konstruksyon ng Arayat-Magalang Bypass Road, ay magkakaroon na ng mas mabilis na alternatibong ruta ang mga motorista at mababawasan ang traffic sa dalawang nasabing munisipalidad.
Ulat ni Camille Concepcion