Konstruksyon ng mga bahay na nawasak sa Marawi siege, maari nang simulan
Maari nang simulan ng mga taga marawi ang konstruksyon ng kanilang mga tahanan na nawasak dahil sa nangyaring digmaan apat na taon na ang nakalilipas.
Ito’y matapos malagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Marawi siege victims compensation law.
Sinabi ni Senador Sonny Angara na pangunahing may akda ng batas na matagal na itong hinihintay ng ating mga kababayan para makumpleto ang proseso ng pagbangon.
Nakasaad sa batas na bibigyan ng tax free monetary compensation ang lahat ng may ari ng residential, cultural o business structures sa Marawi.
Sakop nito ang mga Baranggay Lumbac Madaya, sabalq amanao, Tolabi Daguduban, Norhaya Village, Banggolo Poblacion at Sangkay Moncado.
Bibigyan rin ng kompensasyon ang may- ari ng private properties bilang bahagi ng Marawi recovery Rehabilitation and Reconstruction program.
Sinabi ni Angara na Chairman ng Senate Finance Committee, ang inisyal na pondo ay kukunin sa National Disaster Risk Reduction and Management fund ngayong taon habang popondohan na ito sa ilalim ng pambansang budget sa susunod na taon.
Meanne Corvera