Konstruksyon ng Taguig Integrated terminal, pinasinayaan
Pinasinayaan ngayong araw ang konstruksyon ng Taguig Integradted terminal na isa sa proyekto ng Department of Transportation o DOTR at ng Build, build, build team ng Duterte administration.
Ang pagpapasinaya ay pinangunahan nina Transportation secretary Arthur Tugade at Department of Public works and highways o DPWH secretary Mark Villar kasama ang ilan pang ahensya ng pamahalaan.
Ang Taguig ITX na isa rin sa Infrastructure project ng Build, build, build team ay mayroong anim na palapag na gusali at may sukat na 5.57 hectares at nakatakdang itayo sa FTI Compound na magiging isang centralized ticketing area at magsisilbi ring sentro ng negosyo sa lunsod.
Ang nasabing proyekto ay kayang maglulan ng mahigit sa isanlibong Public Utility buses at Vehicle bays at parking.
Aabot naman sa mahigit isandaang libong mga pasahero araw-araw ang kayang i-accomodate ng nasabing proyekto.
Malaking kabawasan at kaginhawaan din ang nasabing proyekto sa pasanin ng mga commuters sa Metro Manila.
Kapag natapos na ang terminal, aalisin na daw ang mga terminal sa kahabaan ng Edsa na magiging malaking kabawasan sa bigat ng daloy ng trapiko sa Metro Manila.
Dito na mananatili ang mga provincial buses na bumibiyahe sa Southern Tagalog region at iba pa.
Ang Integrated terminal ay mayroong pedestrian walkway na kokonekta sa PNR-FTI station at ang proposed subway system.
Ilan din sa mga pasilidad na ma-e-enjoy ng mga commuters kapag ito ay naisakatuparan na ay ang Fully air-conditioned terminal ganundin ang free wifi access.
Inaasahang matatapos ang nasabing proyekto sa taong 2020.
=== end ===
Ulat ni Earlo Bringas