Konsulado ng PH, tutulong sa koordinasyon sa pag-uwi sa mga labi ng mag-inang Pinay na pinatay sa saksak sa Toronto
Kinumpirma ng Philippine Consulate sa Toronto, Canada ang pagpanaw ng mag-inang sina Elvie at Angelica Sig-Od matapos na saksakin sa loob ng kanilang sasakyan sa North York, Toronto noong Agosto 26.
Ayon kay Consul General Orontes Castro, nakikiramay ang gobyerno ng Pilipinas sa pamilya ng mga biktima.
Tiniyak ng konsulado na aagapay ito sa koordinasyon para sa repatriation o pag-uwi sa bansa ng mga labi ng mag-ina.
Patuloy din aniya na babantayan nila ang itinatakbo ng kaso.
Sinabi ni Castro na Canadian citizens ang mag-nanay.
Si Elvie ay 44 anyos habang si Angelica ay 20 anyos.
Batay sa mga ulat, pinatay ang dalawa ni Godfrey Sig-Od na dating asawa ni Elvie at tatay nI Angelica.
Moira Encina