Kontrata ng gobyerno sa Stradcom Corporation para sa RFID, ibinasura ng SC

 

sc

Ipinawalang bisa ng Korte Suprema ang ang kasunduang pinasok ng gobyerno at pribadong contractor na Stradcom Corporation noong 2009 kaugnay ng Radio Frequency Identification o RFID.

Dahil sa RFID — inoobliga ang mga may-ari ng sasakyan na magkabit ng electronic identification tag at sinisingil ng karagdagang ₱350 ang bawat sasakyan.

Sa desisyon na sinulat ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno, partially granted ang petisyong inihain ng Bayan Muna,  Gabriela, Anakpawis at PISTON.

Iniutos din ng Korte Suprema ang pag-refund o pagsauli sa nakolektang RFID fee bago ito pinigil ng Korte Suprema noong January 2010 sa bisa ng Status Quo Ante Order.

Sinabi ng Korte Suprema na dapat na dumaan sa public bidding ang RFID Project alinsunod sa  Built, Operate and Transfer o BOT Law.

Mismong ang DOTC at LTO anila ang umamin na walang public bidding na naganap para sa proyekto.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *