Kontratang pinasok ng NGCP sa China pinarerepaso sa Senado
Pinaiimbestigahan na ni Senador Risa Hontiveros ang kontratang pinasok ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa isang kumpanya sa China.
Sa inihaing Senate Resolution 223, sinabi ni Hontiveros na nakakabahala ang ginawang pag-amin ng NGCP na maaring kontrolin at i-shut down ng China ang power transmission service provider.
Nauna nang inamin ng Department of Energy sa budget hearing sa Senado na 40 percent na ng NGCP ay pag-aari at kontrolado na ng State Grid Corporation ng China.
Nais ni Hontiveros na malaman kung may kontrol pa ang Pilipinas sa power grid o nakuha na rin ng China.
Nakakatakot aniya dahil batay sa kaniyang natanggap na report, ang mga Chinese nationals na konektado sa NGCP ay nagha-hire at nagde-deploy ng mga Foreign engineers at mga drivers na paglabag sa Section 11, Article 12 ng Constitution at Anti-Dummy Law.
Ulat ni Meanne Corvera