Kontribusyon ng Pilipinas sa pagbuo sa UNCLOS, ibinida
Inilunsad ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Philippine Postal Corporation ang postal stamp para sa paggunita ng ika-40 anibersaryo ng
United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Ang Pilipinas ay lumagda sa UNCLOS noong December 10, 1982 na araw na binuksan ang Convention para sa pagpirma nito sa Montego Bay, Jamaica.
Kasabay ng paglulunsad sa commemorative stamp sa forum na inorganisa ng DFA ay binigyang-diin ang mahalagang kontribusyon ng Pilipinas sa negosasyon, pagpapatibay, at implementasyon ng UNCLOS.
Inilarawan ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo ang UNCLOS bilang “constitution of the oceans.”
Aniya palaging nasa forefront ang Pilipinas sa pagbuo at pagpapatupad ng UNCLOS sa loob ng 40 taon.
Umaasa ang kalihim na ang commitment ng Pilipinas sa pagsusulong sa rules-based international order ay magpapatibay sa paninindigan ng international community na matiyak na ang UNCLOS ay mananatiling mahalagang sangkap sa maritime governance sa mga taong darating.
Moira Encina