Kontrobersiyal na Laptops ng DepEd nakatambak lang sa bodega nito
Nanggaling rin ng China ang mga overpriced na laptop na binili ng Department of Education sa pamamagitan ng procurement service ng Department of Budget and Management.
Ayon kay Senador Francis Tolentino lumilitaw aniya sa kanilang imbestigasyon na ang landed cost ng laptop kasama na ang buwis ay aabot lang sa 27 libong piso kada piraso.
Malinaw aniyang talagang may kumita sa kontrata para sa computerization program ng DepEd at PS DBM dahil kahina hinala na umabot ito ng 58,300 kada piraso samantalang 27,000 pesos lang ang presyo sa merkado.
Nauna nang sinabi ng COA sa kanilang ginawang special audit na overpriced ang mga biniling laptop ng DepEd.
Ang nakakalungkot ayon kay Tolentino hindi nagamit ang mga laptop na nakatambak sa bodega ng DepEd.
Meanne Corvera