Kontrobersyal na Caloocan prosecutor na inakusahan ng pagiging bias sa kaso ni Kian delos Santos inilipat ng DOJ sa Mandaluyong City
Inilipat na sa Mandaluyong City ang piskal ng Caloocan na inaakusahan ng pagiging bias sa kaso ni kian delos Santos.
Batay sa Department Order 558 ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, inatasan na malipat sa Mandaluyong City Prosecutors Office si Caloocan City Senior Assistant State Prosecutor Darwin Cañete.
Ayon kay Aguirre, hiniling ng piskal na mailipat siya dahil sa paniwalang may banta sa kanyang buhay.
Kumbinsido naman ang kalihim na may batayan ang pangamba ni Cañete.
Nabatikos ang piskal matapos ihayag sa kanyang post sa social media na maaring hindi inosente si Kian delos Santos sa isyu ng iligal na droga.
Ia rin siya sa mga vocal Duterte supporters sa social media.
Ulat ni: Moira Encina