Korea Coastguard training vessel, dumating sa bansa para sa 5-days State visit
Dumating na sa bansa ang Korea Coastguard Training vessel para sa limang araw na goodwill visit nito.
Ang Korea Coastguard Training vessel ay mananatili sa bansa mula ngayong araw hanggang 18.
Layon umano nitong palakasin ang relasyon at kooperasyon sa pagitan ng Philippine coastguard at ng Korea coastguard.
May kaugnayan rin ito sa komemorasyon ng ika- 70 anibersaryo ng Diplomatic relations sa pagitan ng Pilipinas at Korea.
Nanguna naman sa panig ng Korea ang Presidente ng Korea Coastguard Academy na si Senior Supt. General Ko Myung Suk, ksama ang 130 kadete ng nasabing training ship na “Badaro”.
Ulat ni Madz Moratillo