Korean Embassy binigyan na ng go signal ang imbestigasyon ng NBI sa Korean Mafia na posibleng nasa likod ng pagpatay kay Jee Ick Joo
May go signal na mula sa Korean Embassy sa bansa ang imbestigasyon ng National Bureau Investigation sa posibleng pagkakasangkot ng Korean Mafia sa pagdukot at pagpatay sa koreanong negosyanteng si Jee Ick Joo.
Ito ang inihayag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II matapos nitong maka-usap si Korean Ambassador to the Philippines Kim Jae Shin.
Ipinaliwanag din ni Aguirre ang mga rason sa posibleng pagkakadawit ng Korean Mafia sa kaso ni Jee Ick Joo.
Nilinaw din ni Aguirre sa Korean diplomat ang kanyang responsibilidad bilang Justice Secretary na bigyan katarungan ang pamilya ng biktima at mapanagot ang mga nasa likod ng krimen
Tiniyak ni Aguirre na magpapatuloy ang pagtutulungan ng dalawang bansa para sa mas matibay na Philippine-South Korean relations.
Ulat ni : Moira Encina