Korte sa Olongapo, nag-isyu ng Hold Departure Order laban sa mga akusado sa pagpatay sa negosyanteng si Dominic Sytin
Nagpalabas ang Olongapo City Regional Trial Court ng hold departure order laban sa mga akusado sa pagpatay sa negosyanteng si Dominic Sytin.
Sa dalawang pahinang kautusan ni Branch 72 Presiding Judge Richard Paradeza, pinagbigyan ang mosyon ng prosekusyon na mag-isyu ng HDO laban kina Alan Dennis Sytin at Oliver Fuentes.
Dahil, inatasan ng korte ang Bureau of Immigration na pigilang makalabas ng bansa sina Sytin at Fuentes.
Una nang ipinaaresto ng hukuman ang dalawa dahil sa kasong murder at frustrated murder.
Ayon sa seld-confessed gunman na si Edgardo Luib, kinausap siya ni Fuentes para gawin ang utos ni Dennis Sytin na patayin ang kapatid na si Dominic.
Pinagbabaril si Dominic Sytin sa tapat ng isang hotel sa Subic Freeport noong November 2018 na nagresulta sa pagkamatay nito.
Ulat ni Moira Encina