Korte Suprema, binuhay ang voting powers sa mga bakanteng posisyon sa Supreme Court
Ibinalik ng Korte Suprema ang voting powers nito sa bawat bakanteng posisyon sa Kataas-taasang Hukuman.
Nahinto ang pagganap ng Supreme Court sa nasabing kapangyarihan nang maupo si Maria Lourdes Sereno bilang Chief Justice at ex-officio chairperson ng Judicial and Bar Council.
Sa kanilang voting powers, pagbobotohan ng mga mahistrado kung sino ang kanilang irerekomendang aplikante para sa bakanteng posisyon sa Supreme Court.
Bibigyan ng konsiderasyon ng JBC ang resulta ng botohan at karaniwan ding binibitbit ng punong mahistrado sa botohan kung sino ang dapat maisama sa short list.
Samantala, nagrekomenda ang Supreme Court ng apat na pangalan kaugnay ng mababakanteng pwesto sa Korte Suprema dahil sa pagreretiro ni Associate Justice Presbitero Velasco sa Agosto.
Ang mga ito ay sina Court of Appeals Justice Rosmari Carandang na may sampung boto; Court Administrator Jose Midas Marquez na may walong boto; at CA Justices Jose Reyes at Ramon Garcia na nakakuha ng tig-anim na boto.
Ulat ni Moira Encina