Korte Suprema binuksan ang aplikasyon para sa mga gagawing local testing centers sa 2021 Bar Exams
Maaari nang maghain ng aplikasyon ang mga institusyon na nais maging local testing sites para sa Bar Examinations sa Nobyembre.
Sa Bar Bulletin na inisyu ni 2021 Bar Exams Chair at Justice Marvic Leonen, ang mga interesadong eskwelahan, institusyon, o pasilidad ay dapat na mag-email ng kanilang expression of intent na naka-address sa Bar Chairperson sa [email protected] at sa [email protected] bago o sa Marso 30.
Sa oras na matanggap ng Korte Suprema ang expression of intent ay kokontakin nito ang aplikante para talakayin ang iskedyul ng mga pagbisita sa lugar, at ang terms and conditions ng memorandum of agreement.
Iaanunsyo ng Supreme Court ang mga napiling local testing centers bago o sa Hunyo 1.
Hinimok ni Leonen ang maraming institusyon na lumahok at maghain ng aplikasyon dahil sa makasaysayan ang isasagawang pagsusulit na kauna-unahang localized, digital, at proctored Bar Examinations.
Moira Encina