Korte Suprema hindi na maglalabas ng listahan ng Top 10 na nakapasa sa Bar exams
Hindi na gagawin ng Korte Suprema ang tradisyunal na pag-aanunsiyo ng Top 10 na nakapasa sa Bar examinations.
Sa bar bulletin na inisyu ni Bar Exams Committee Chairperson at Justice Marvic Leonen, sinabi na aalisin na ang “fanfare” sa pagsasapubliko ng pangalan ng mga examinees na nakakuha ng may pinakamataas na grado sa pagsusulit.
Gayunman, gagawaran ng pagkilala ng Supreme Court ang mga examinees na makakakuha ng grado na 85% o mas mataas pa para sa kanilang exemplary performance sa Bar exams.
Pero, ang pangalan ng mga nasabing examinees ay isasapubliko kasabay ng listahan ng lahat ng mga nakapasa.
Ang listahan ng mga examinees na may pagkilala ay naka-arrange alphabetically at kasamang makikita sa list of passers.
Ayon kay Leonen, ang naturang listahan ang ipapalit sa traditional Top 10 bar passers.
Moira Encina