Korte Suprema ibinaba sa simple estafa ang syndicated estafa case laban sa negosyanteng si Delfin Lee
Maari nang makapagpiyansa at pansamantalang makalaya si Globe Asiatique founder Delfin Lee .
Ito ay matapos ibaba ng Korte Suprema sa simple estafa na isang non bailable offense mula sa syndicated estafa ang kaso laban kay Lee.
Ayon kay Supreme Court Pubic Information Office Chief Theodore Te, pitong mahistrado ang bumoto para i-downgrade ang kaso laban kay Lee, lima ang kumontra at dalawa ang nag-abstain sa botohan.
Ang kasong syndicated estafa laban kay Lee ay nag-ugat sa mahigit 6 billion pesos na umano’y maanomalyang pautang na inaprubahan ng Pag-ibig Fund para sa mga bumili ng bahay sa housing project ng Globe Asiatique sa Mabalacat, Pampanga.
Noong November 7, 2013 naglabas ng desisyon ang Court of Appeals Special 15th Division na nag-aatas sa korte sa Pampanga laban sa pag-usad ng kasong kriminal laban kay Lee at pagpapawalang bisa sa arrest warrant laban sa negosyante
Inabswelto ng CA si Lee sa kasong syndicated estafa dahil sa kawalan ng probable cause.
Ulat ni Moira Encina