Korte Suprema ibinasura ang mga petisyon na inihain ng National Transmission Corporation at Trade and Investment Development Corporation of the Philippines laban sa COA
Ibinasura ng Korte Suprema ang mga petisyon laban sa Commission on Audit na isinampa ng National Transmission Corporation o TRANSCO
at Trade and Investment Development Corporation of the Philippines.
Sa dalawang magkahiwalay na resolusyon, walang nakitang grave abuse of discretion ang Korte Suprema sa panig ng COA sa utos na disallowance sa overpaid separation benefits ng mga kawani ng TRANSCO at sa kumpensasyon na itinakda ng Board of Directors ng Trade and Investment Development Corporation of the Philippines para sa kanilang sarili.
Tinukoy ng Korte Suprema ang general policy nito na igalang at katigan ang mga desisyon ng administrative authorities kabilang ang COA batay sa doktrina ng separation of powers at ang presumed expertise ng mga ito sa batas na ipinagkatiwala sa mga ito na ipatupad.
Nabatid ng SC na ang rounding -off scheme na ipinatupad ng TRANSCO na nagresulta sa pagtaas ng separation pay na pinapayagan sa ilalim ng EPIRA para sa mga empleyado nito ay isang bagong benefit na nangangailangan ng approval ng Pangulo.
Dahik dito, hindi raw maaring sisihin ang COA sa pagdisallow sa overpaid separation benefits ng mga petitioner-employees.
Ulat ni Moira Encina