Korte Suprema ibinasura ang Motion to Intervene ng Akbayan sa kaso ng Manila Bay
Hindi pinagbigyan ng Korte Suprema ang motion to intervene ng Akbayan Citizen’s Action Party sa kaso sa Manila Bay.
Sa En banc resolution, sinabi ng Supreme Court na final and executory na ang ruling sa kaso na inilabas noong 2008.
Sa nasabing landmark decision, ipinagutos ng SC sa 13 ahensya ng pamahalaan na linisin, i-rehabilitate, at i-preserba ang Manila Bay.
Ayon sa Korte Suprema, dahil pinal na ang kaso ay ang hurisdiksyon nito ay limitado na lamang sa full implementation ng nasabing continuous mandamus order.
Ibig sabihin ay mayroon na lamang post-judgment supervisory jurisdiction ang Supreme Court sa Manila Bay Case.
Gayundin, ang mga kautusan na pwede na lamang ilabas ng SC ay limitado sa partial returns of the writ.
Paliwanag pa ng SC, ang intervention ay hindi “matter of right” kundi ipinauubaya sa “sound discretion” ng hukuman.
Ayon sa resolusyon, hindi “viable” ang intervention dahil matagal nang pinal ang Manila Bay case.
Dumulog sa Korte Suprema ang Akbayan sa harap ng isyu ng paggamit ng DENR ng dolomite sand sa Manila Bay.
Moira Encina