Korte Suprema, ibinasura ang recall elections laban kay San Juan Mayor Guia Gomez
Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon lara sa recall elections laban kay San Juan Mayor Guia Gomez dahil sa kawalan ng merito.
Sa resolusyon ng Supreme Court en banc, sinabi na wala ng pangangailangan para isagawa ang recall elections dahil idaraos na ang 2019 elections sa Mayo 13 kung saan ihahalal ang mga bagong lokal na opisyal kabilang na ang mayor.
Paliwanag pa ng Korte Suprema, ipinagbabawal sa ilalim ng Local Government Code ang pagsasagawa ng recall elections isang taon bago ang regular na lokal na halalan.
Kinuwestyon ni Guia sa Supreme Court ang resolusyon at botohan na 2-1-1 ng Comelec en banc na nagtatakda ng recall elections sa San Juan dahil sa kawalan ng quorum at malinaw na majority votes.
Ulat ni Moira Encina