Korte Suprema inatasan ang GMA Network na ibalik sa trabaho at bayaran ang backwages ng 30 empleyado

Ipinagutos ng Korte Suprema sa GMA Network, Inc. na ibalik sa trabaho ang 30 cameramen at assistant cameramen, at bayaran ang kanilang backwages, allowances, at iba pang benepisyo mula nang sila ay iligal na sinibak noong 2013 hanggang sa kanilang aktwal na reinstatement.

Ayon sa Supreme Court Public Information Office, sa desisyon ng SC Third Division, idineklara nitong regular na empleyado ng GMA ang mga petitioners at may karapatan sa security of tenure.

Dahil dito, ipinunto ng SC na maaari lamang tanggalin ang mga petitioners kung may makatwirang dahilan at pagkatapos ng nararapat na abiso at pagdinig.

Inatasan din ng Korte Suprema ang media network na bayaran ang attorney’s fee ng bawat petitioner.

Itinakda ng SC sa six percent per annum ang legal interest na dapat bayaran ng kumpanya sa mga kawani.

Ibinalik naman ng Supreme Court ang kaso sa Labor Arbiter para sa kompyutasyon ng backwages at iba pang monetary awards.

Sinabi ng SC na tanging ang mga casual employees lang na ang trabaho ay hindi naman necessary sa negosyo ang kinakailangan nang hindi bababa sa isang taon na serbisyo bago maging regular.
 
Pero, mayroon nang regular status ang empleyado na ang trabaho ay mahalaga o necessary at desirable sa operasyon ng kumpanya simula nang sila ay kunin sa trabaho.

Sinabi ng SC na mayroong umiiral na employer-employee relationship sa pagitan ng GMA at mga petitioners na kinuha bilang camera operators.

Iginiit ng media company na independent contractors ang mga petitioners at hindi empleyado.

Ngunit, binigyang bigat ng hukuman ang argumento ng mga petitioners na regular employees sila dahil ang ginagawa nila ay necessary at desirable sa usual business ng GMA bilang TV at broadcasting company.

Narito ang pangalan ng mga petitioners na idineklarang regular employees ng SC at iniutos na maibalik sa trabaho.

1.      Henry T. Paragele
2.      Roland Elly C. Jaso
3.      Julie B. Aparante
4.      Roderico S. Abad
5.      Milandro B. Zafe, Jr.
6.      Richard P. Bernardo
7.      Joseph C. Agus
8.      Romerald S. Taruc
9.      Zernan Bautista
10.  Arnold Motita
11.  Jeffrey Canaria
12.  Rommel F. Bulic
13.  Henry N. Ching
14.  Nomer C. Orozco
15.  Jameson M. Fajilan
16.  Jay Albert E. Torres
17.  Rodel P. Galero
18.  Carl Lawrence Jasa Nario
19.  Romeo Sanchez Mangali III
20.  Francisco Rosales, Jr.
21.  Bonicarl Penaflorida Usaraga
22.  Joven P. Licon
23.  Noriel Barcita Sy
24.  Gonzalo Manabat Bawar
25.  David Adonis S. Ventura
26.  Solomon Pico Sarte
27.  Jony F. Liboon
28.  Jonathan Peralta Anito
29.  Jerome Torralba
30.  Jayzon Marsan

Moira Encina

Please follow and like us: