Korte Suprema inilabas ang guidelines at rules of conduct sa 2023 Bar Exams
Inilatag na ng Korte Suprema ang mga panuntunan at gabay sa isasagawang 2023 Bar Examinations sa Setyembre.
Idinetalye sa guidelines ang listahan ng mga gamit na pinapayagan na dalhin ng examinees at ang mga ipinagbabawal.
Kabilang sa essentials o kailangan na dalhin ng bar examinees ay isang laptop na may naka-install ng gagamiting exam software, printed copy ng notice of admission, printed copy ng nasagutang honor code, health liability waiver, at packed lunch at eating utensils.
Ilan naman sa prohibited items ay deadly weapons, armas, droga, nakalalasing na inumin, sigarilyo at vape.
Nakasaad din sa guidelines ang proper decorum at attire ng mga kukuha ng pagsusulit at ang iskedyul sa bawat bar exam days.
Binanggit din ng SC ang health protocols na ipatutupad sa mga local testing center.
Ayon sa SC, hindi na obligado ang pagprisinta ng negatibong RT- PCR test.
Bagamat hindi rin required ay hinihimok naman ang examinees na magsuot ng face mask at magpabakuna laban sa Covid-19.
Sinabi pa sa mga panuntunan na mahigpit ma pinagbabawal ang anumang pagtitipon sa mga lugar malapit sa local testing centers gaya ng mga salubong at send-off upang maiwasan ang anumang insidente.
Moira Encina