Korte Suprema inilabas ang revised coverage ng Bar Exams
Inilatag ng Korte Suprema ang revised coverage ng 2020/2021 Bar Examinations kasunod ng pagbawas sa sakop na mga subjects at pagpapaikli nito sa dalawang araw bunsod ng pandemya at epekto ng nagdaang bagyo.
Sa unang araw ng bar exams sa Enero 23, nakaiskedyul sa umaga ang subject na The Law Pertaining to the State and Its Relationship With Its Citizen na dating Political Law, Taxation Law at Labor Law.
Ito ay binubuo ng 18 tanong na 30% ng pagsusulit.
Sa hapon naman ng Enero 23, nakatakda ang Criminal Law na may 15 tanong na 15% ng bar exams.
Para naman sa umaga ng day two ng eksaminasyon sa Enero 25, ang The Law Pertaining to Private Personal and Commercial Relations na dating Civil Law at Commercial Law.
May 18 tanong ito at 30% ng bar exams.
Nakaiskedyul naman sa hapon ng Enero 25 ang Procedure and Professional Ethics na dating Remedial Law, Legal Ethics and Practical Exercises na may 18 tanong at 25% ng bar exams.
Idinetalye rin sa amended bar bulletin ang scope at distribution ng mga tanong sa bawat subjects.
Binigyang-diin ng SC na ang mga basic concepts lamang sa mga areas na tinukoy sa bar bulletin ang kasama sa pagsusulit.
Moira Encina