Korte Suprema, inilatag na ang mga isyung tatalakayin sa Oral Arguments kaugnay sa petisyong kumukwestyon sa pagbabawal sa same-sex marriage

Inilatag na ng Korte Suprema ang mga panuntunan at isyung tatalakayin sa oral arguments ukol sa petisyon na kumukwestiyon sa ilang probisyon ng Family Code na nagbabawal sa same-sex marriage.

Gaganapin ang oral arguments sa bukas, June 19 ng alas 2:00 ng hapon.

Ang petisyon ay inihain ni Atty. Jesus Nicardo Falcis III laban sa Civil Registrar-General.

Ilan sa mga isyung tatalakayin sa oral arguments ay kung ang itinakda bang limitasyon ng Estado na ang Civil marriage ay dapat sa maganap lamang sa pagitan ng babae at lalaki ay maituturing na pagganap ng Estado sa police power nito at kung ito ay hindi lumalabag sa equal protection clause ng Saligang Batas.

Kasama rin sa isyu ay kung ang pagkakait ba sa same-sex couple na magpakasal ay maituturing na pagkakait sa kanilang right to life at right to liberty nang walang due process;  at kung unconsitutional ba ang Articles 1 at 2 ng Family Code  na nagtatakda na ang pagpapakasal ay limitado lamang sa pagitan ng  isang lalaki at babae.

May  tig-20 minuto  ang petitioner, civil registrar general na respondent at intervenors na maglahad l ng kanilang argumento.

Sa petisyon ni Falcis iginiit na ang pagpapasya ng mga indibidwal, sila man ay homosexual o heterosexual, ng taong nais nilang makaisang-dibdib ay isang pribadong bagay na hindi dapat pinagbabawalan ng Estado.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *