Korte Suprema iniutos ang paglipat ng lahat ng Dengvaxia cases sa isang Family Court sa Quezon City
Pinaboran ng Korte Suprema ang petisyon ng Public Attorney’s Office na ilipat at pag-samahin ang lahat ng mga Dengvaxia cases sa iisang korte sa Quezon City.
Ayon kay PAO Chief Persida Acosta, natanggap nila ang kopya ng Notice of Resolution ng Supreme Court First Division na may petsang August 26, 2020 na pumapabor sa kanilang kahilingan.
Ipinagutos anya ng SC First Division na ilipat sa Family Court sa Quezon City ang mga Dengvaxia cases.
Inatasan din ng Korte Suprema ang Executive Judge ng Quezon City Regional Trial Court na i-raffle sa isang sala ng Family Court ang mga kaso.
Naghain ng petisyon ang PAO at ang pamilya ng mga Dengvaxia victims sa SC para sa transfer ng venue matapos isampa ng DOJ sa ibat-ibang Municipal at Metropolitan Trial Courts ang mga naunang batch ng Dengvaxia case.
Moira Encina