Korte Suprema, ipinag-utos na buhayin ang kasong kriminal laban sa isang opisyal ng Sulpicio Lines kaugnay sa MV Princess of the Stars tragedy
Iniutos ng Korte Suprema sa Manila Regional Trial Court Branch 5 na buhayin ang kasong kriminal laban sa isang opisyal ng Sulpicio Lines, Incorporated kaugnay sa paglubog ng M/V Princess of the Stars noong 2008 sa kasagsagan ng hagupit Bagyong Frank.
Sa 20 pahinang desisyon na isinulat ni Justice Jose Reyes Jr., pinaboran ng SC Third Division ang mga petisyon na ibalik ang kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide, physical injuries and damage to property laban kay Edgar S. Go na First Vice-President for Administration at team leader ng Crisis Management Committee ng Sulpicio Lines.
Partikular na binaligtad ng SC ang mga resolusyon at desisyon noong 2013 at 2014 ng Court of Appeals na pumabor kay Go.
Ayon sa Korte Suprema, ang pananagutang sibil ni Go dahil sa trahedya ay hiwalay sa kasong kriminal laban dito.
Si Go ay isa sa mga kinasuhan sa Manila RTC ng DOJ panel of prosecutors dahil sa kabilang ito sa mga nagpasya na payagan bumiyahe ang M/V Princess of the Stars sa halip na kanselahin ang byahe nito dahil sa bagyong Frank.
Inakyat ni Go ang kaso sa CA matapos na ibasura ng DOJ ang kanyang petition for review kung saan nakakuha ito ng paborableng desisyon mula sa appellate court.
“In this case, the criminal action instituted against respondent involved exclusively the criminal and civil liability of the latter arising from his criminal negligence as responsible officer of SLI. It must be emphasized that there is a separate civil action instituted against SLI based on culpa contractual incurred by it due to its failure to carry safely the passengers of Stars to their place of destination. The civil action against a shipowner for breach of contract of carriage does not preclude criminal prosecution against its employees whose negligence resulted in the death of or injuries to passengers.” – SC Second Division
Ulat ni Moira Encina