Korte Suprema ipinagluluksa ang pagpanaw ni retired SC Justice Priscilla Baltazar-Padilla
Ipinagdadalamhati ng Korte Suprema ang pagpanaw ni retired Associate Justice Priscilla Baltazar- Padilla.
Si Padilla ay pumanaw noong Agosto 27.
Ayon sa Supreme Court, nanilbihan si Padilla sa hudikatura sa loob ng mahigit dalawang dekada.
Nagsimula si Padilla bilang metropolitan trial court judge noong 1996 hanggang siya ay mahirang bilang mahistrado ng Korte Suprema noong July 16, 2020.
Nagretiro sa SC si Padilla noong Nov. 3, 2020 matapos na maghain ng disability retirement.
Si Padilla ang ika-188 Associate Justice ng Korte Suprema.
Bago maitalaga sa SC, nagsilbing mahistrado rin ng Court of Appeals si Padilla.
Nagturo rin siya ng abogasya sa Lyceum of the Philippines at New Era University.
Nagtapos si Padilla ng abogasya sa Lyceum at top five sa 1984 Bar Examinations.
Moira Encina